Comelec, nakapagtala ng karagdagang 1.1-M bagong botante para sa 2023 BSKE

Nagdagdagan pa ng 1.1 million ang bilang ng mga bagong botante para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, na sa naturang bilang, 7,000 voter registration applications ay prinoseso sa ilalim ng Comelec’s Register Anywhere Project (RAP), na nagpapahintulot sa mga kwalipikadong Pilipinong botante na magparehistro sa mga booths na tinukoy ng poll body.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ang voter registration ay magtatapos sa January 31, habang ang RAP ay hanggang sa January 25, 2023 na lamang.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sinabi ni Garcia, na kabilang sa mga layunin ng pagsasagawa ng pilot test ng RAP sa ilang malls ay ma-establish ang posibleng special polling precincts para sa mga Filipino seafarers.