Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon nitong higpitan ang pag-substitute ng mga kandidato.
Sa panayam ng mga Brigada News FM kay Comelec Chairman George Garcia, sinabi nitong sa pagtingin nila sa batas – nasa kapangyarihan ng ahensya ang pagpapatupad ng naturang hakbang.
Dagdag pa nito, pabor din sa demokrasya ang paghihigpit sa palit-kandidato.
Read More: Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan
Binigyang-diin ni Garcia na kung talagang tatakbo ang isang kandidato, dapat ipakita nitong wala na siyang pagdadalawang-isip pa.
Sa huli, nanawagan ang opisyal na mapagbigyan sila sa mga hakbang na magsasaayos sa halalan.