Tuluyan ng sinibak sa pwesto si Spain Women’s Team coach Jorge Vilda, kasunod lang ng 10-day suspension ni RFEF president Luis Rubiales dahil sa pagkakasangkot sa non-consensual kiss sa national team player na si Jenni Hermoso.
Sa isang pahayag, pinasalamatan ng Royal Spanish Football Federation (RFEF) ang 42-anyos na si Vilda para sa kanyang legasiya.
Mabilis na umusbong ang isyu matapos kagalitan ng karamihan ang insidente dahil umusbong ang mga usaping karapatan ng kababaihan at sexism.
Samantala, sinaad naman sa isang seperate statement ng pansamantalang pangulo ng RFEF na si Pedro Rocha na humihingi sila ng paumanhin sa pag-uugali ng dating presidente na si Rubiale.
