CNPPO, hinikayat ang mga taong nais magbalik-loob sa pamahalaan na huwag mag alinlangang sumuko

CAMARINES NORTE- Hinikayat ng CNPPO o Camarines Norte Police Provincial office ang mga taong nais magbalik loob sa pamahalaan

Ito ay matapos sumuko ng isang lider ng NPA sa kapulisan ng Sta. Elena MPS noong Mayo 23, 2023

Matatandaan rin na noong nakaraang buwan ng Abril ay isinapubliko ng kapulisan ang dalawang lalaking dati ring miyembro ng NPA na ngayon ay aktibong miyembro na ng CAFGU.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nagkaroon umano ang dalawang lalaking nagbalik loob ng livelihood training para kung sakaling iwanan man umano nila ang pagiging isang CAFGU at bumalik bilang isang pangkaraniwang mamamayan ay may alam na umano silang gawain na dahilan upang hindi sila magutom.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon naman kay PCOL ANTONIO BILON, JR, huwag umanong mag alinlangan na sumuko sapagkat buong puso silang tatangapin at handang tulungan ng ating pamahalaan, hindi lamang sila kundi pati na rin ang kanilang pamilya upang makapagbagong buhay at makamit ang ganap na kapayapaan.