Clean-up drives sa UAE matapos ang malawakang baha, sinimulan na

Sinumulan na ng mga komunidad sa United Arab Emirates ang paglilinis matapos ang malawakang baha, na ikinamatay ng isang indibidwal at nagdulot ng malaking pinsala sa mga negosyo at kabahayan.

Bagama’t tumigil na ang malalakas na ulan, patuloy pa ring pinagtatrabahuhan ng mga emergency workers na pahupain ang mga baha sa iba’t ibang lugar, kaya’t hindi pa malinaw ang lawak ng pinsala.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Ayon sa national meteorology center, nakapagtala ng bagong record ang UAE na 254 mm ng rainfall, na kinokonsiderang pinakamalaking tala ng bansa mula pa noong 1949.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Pinaniniwalaan ng mga climate scientists na isa sa mga rason kung bakit nangyari ito ay dahil sa pagtaas ng temperatura sa buong mundo dulot ng climate change.

###