City Comelec, wala pang idinideklarang ‘nuisance candidate’

SORSOGON CITY – ‘Zero nuisance candidate’ pa sa mga oras na ito ang Sorsogon City Comelec, ito ang kinumpirma ng nasabing ahensya saBrigada News FM-Sorsogon.

Ayon kay City Comelec Officer Atty Carla Jerrera, wala pa umanong kandidato ang nagpa-file ng reklamo laban sa kanilang katunggali na ‘nuisance candidate’ o panggulo lamang.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa nito, kung walang magrereklamo ay nangangahulugan lamang na lahat ng aspirante na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy ay itinuturing na kwalipikado.

Batay sa Election Code ng Comelec, ang mga tinatawag na ‘nuisance candidate’ ay mga kandidatong nagpasa ng COC para sa intensyong pangungutya o pagkasira ng pangalan, pagdudulot ng kalituhan sa mga botante dahil sa kaparehong pangalan sa ibang kandidato at iba pang mga pangyayari o kilos na malinaw na nagpapakita na ang kandidato ay walang balak tumakbo para sa posisyon.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon