Cite-in-contempt order kay Quiboloy, posible umanong ma-reverse

Tiniyak ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na handa siyang i-reverse o i-modify sa susunod na pagdinig ang ruling na inihain niyang contempt order laban kay Quiboloy.

Ito ay kung makakalikom ng walong boto ng objection mula sa kanyang komite sa loob ng pitong calendar days na siyang magsisimula bukas.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Ito ay alinsunod sa naging pagtutol ni Senador Robin Padilla sa naging desisyon ni Hontiveros na ipa-cite in contempt si Quiboloy.

Ayon kay Hontiveros, hindi nabanggit ni Padilla ang naging rason ng pag-object niya rito ngunit okay lang naman daw ito dahil hindi naman kinakailangang ipaliwanag ng mga mag-oobject dito ang kanilang rason.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Sa kabila nito, nanawagan naman ang senadora sa mga kapwa niyang kasamahan sa komite na manindigan kasama ang mga victim survivors.