CHO-Koronadal, may panawagan kontra dengue

KORONADAL CITY — IBALIK ang paghahanda laban sa dengue. Ito ang panawagan ni Koronadal City Health Officer Dr. Edito Vego sa mga Koronadaleños matapos ang mga pag-ulan na nararanasan ng lungsod na posibleng maging dahilan ng pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Vego, inihayag nito na kailangang maibalik ang implementasyon ng 4S strategy na kinabibilangan ng “search and destroy” mosquito-breeding sites; employ “self-protection measures” kagaya ng pagsusuot ng pantalon at long-sleeved shirt at “seek early consultation”.

Inihayag ni Vego, na importante din ang pagsusuot ng personal protective equipment o PPEs sa paglilinis sa palibot upang maiwasang makagat ng lamok.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Mahalaga din umanong maireport agad sa kanilang tanggapan ang posibleng kaso ng dengue upang makapag-sagawa ang mga ito ng fogging.