China: Marcos admin – mayroon din umanong ‘common understanding’ sa WPS

Muling iginiit ng China na may napagkasunduan na “common understanding” ang Pilipinas sa paghawak ng sitwasyon sa Ayungin Shoal o Ren’ai Jiao, hindi lamang sa administrasyong Duterte kundi pati rin sa kasalukuyang administrasyong Marcos.

Ayon sa foreign ministry spokesperson ng China na si Wang Wenbin, patuloy ito na itinatanggi ng Pilipinas sa kabila ng pakikipagugnayan sa kanila ng ilang opisyal.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Dagdag pa nito, interesado sila sa pagpapa-stable ng sitwasyon sa Ayungin dahil kabilang ito sa kasunduan ng Pilipinas at China, na makakamit naman kung paiiralin ang common understanding ng dalawang bansa.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sa huli, sinabi ni Wang na nagpapalala lamang ng sitwasyon ang paglabag ng Pilipinas sa mga pangako at provocations nito sa China.