China, itinanggi ang Chinese “sleeper cells” sa bansa

Itinanggi ng Chinese Embassy sa Pilipinas na may mga “sleeper cell” o mga ahente na nagtatrabaho nang palihim sa bansa kasunod ng pagkakaaresto sa mga armadong Chinese national sa Pasig City.

Ayon sa embahada, mariing nilang itinanggi, tinututulan, at kinokondena ang mga walang basehang alegasyon at malisyosong pagpapakalat ng disinformation.

Napag-alaman rin nila ang mga detalye ng kaso at ngayon ay nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Pilipinas para labanan ang transnational criminal activities.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Binatikos din ng embahada ang ilang opisyal dahil sa “pagpakalat ng mga napaka-iresponsableng pananalita, na nagpapalawig ng Sinophobic o anti-Chinese sentiments.