China handang tumulong para hanapin ang nasa likod ng hacking sa PH gov’t agencies

Kinumpirma ni Department of Information and Communications Technology o DICT Ssecretary Ivan Uy na nakipag ugnayan na sa kanila ang China, kaugnay sa nakaraang insidente ng cyberattack sa ilang government website.

Sa press briefing sa Malacañang, binaggit ng kalihim na nag reach out sa kanila ang China at sinabing handang tumulong para hanapin kung saan at sino ang gumawa ng pag atake.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Bagaman bukas sa pagtanggap ng tulong, nilinaw ng DICT na sa isinasagawang cyber investigation, hindi nila inaalis ang lahat ng posibilidad.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Una nang binanggit ng DICT na ang China Unicom ang nasa likod ng tangkang pag take down sa website ng OWWA.