“Children in conflict with the law” sa Naga City, nadagdagan

NAGA CITY –Nadagdagan ang bilang ng mga batang nasa pangangalaga ngayon ng City Social Welfare and Development Office matapos na mahuli ang 15 taong gulang na batang lalaki sa ginawang buy buy operation noong isang araw sa Barangay Balatas na kung saan nakuha sa kaniya ang isang plastic na naglalaman ng marijuana na nagkakahalaga ng 1,500 pesos.

Read More:  Father, son killed in Cebu stabbing while sleeping; mother injured

Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Annabell Vargas, head ng CSWDO na nasa pangangalaga na nila ang bata at kasama na nito ang 13 kapwa niya menor de edad na nahaharap din sa iba’t-ibang kaso na sumasailaim sa kanilang regular na programa.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Nakakalungkot, aniya dahil sa may mga batang maagang naliligaw ng landas at nasasangkot sa ganitong operasyon na sana ay maiiwasan kung may matino at masaya silang pamilyang kinagisnan.