Ceremonial palay harvesting pinangunahan ni Pang. Marcos

Nagtungo sa Pampanga nakalipas na Sabado si Pang. Ferdinand Marcos Jr at pinangunahan ang Ceremonial Palay Harvesting.

Gamit dito ang Rice Combine Harvester na angkop gamitin sa malalaking sakahan at nangangailangan lamang ng dalawa hanggang tatlong tao na magmamaneho ng makina na isinagawa sa Brgy. Mandili, Candaba.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Sa pamamagitan ng RCH ay napapadali at napapabilis ang pag-aani ng palay mula sa paggagapas hanggang sa pagsasako.

Namahagi rin ng iba’t ibang tulong sa mahigit 12,000 magsasaka at kooperatiba na kinabibilangan ng hauling truck, certified inbred rice seeds, financial assistance, fertilizer discount vouchers, mechanical dryer, Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Repopulation and Clustering Program at agribusiness marketing assistance intervention.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Samantala nakasama rin ng Pangulo si DA Sec. Franciso Tiu Laurel Jr.,

Candaba Mayor Rene Maglanque at iba pang mga opisyal ng Kagawaran mula nasyonal hanggang Region 3.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DA Central Luzon