Wi-nelcome ng Philippine National Police ang inilabas na cease and desist order ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor Laban sa Xinchuang Network Technology Inc., ang POGO hub na sinalakay ng mga awtoridad sa Las Pinas City.
Sa Press briefing sa Kampo Crame , sinabi ni PNP Public Information Chief PBGen. Redrico Maranan, mas mapapadali at mas maayos nang mapapa implementa ng mga awtoridad ang search warrant laban sa kumpanya.

Patunay din aniya ito na hindi lamang responsibilidad ng PNP ang laban sa human trafficking kundi isang collaborative efforts ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Samantala, sinabi ni BGen. Maranan na sa 139 na mga volts na narekober ng pulisya sa kumpanya, 71 na ang nabuksan dito sa pakikipagtulungan ng AMLAC at mga lokal na opisyal sa Las Pinas.
Sa nasa 1,200 foreign nationals naman na rescue sa POGO hub, nasa 780 na rito ang naiproseso ang kanilang mga dokumento.