Catriona Gray – backstage correspondent sa Miss Universe 2023

Muli na namang mapapanood si Catriona Gray sa Miss Universe 2023 ngayong Nobyembre.

Sa Instagram post ni Catriona, makikita sa digital poster na magiging backstage correspondent siya sa gaganaping pageant.

Read More:  MMFF 2026 completes official eight-film lineup with final four entries

Nabatid noong nakaraang taon naging backstage host din ang beauty queen sa Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana.

Isa sa mga tinitingnan na rason kung bakit sunod-sunod ang hosting stint ng Pilipina-Australian ay dahil sa binibigay nitong energy sa interview ng mga kandidata kaya muli siyang sasalang bilang interviewer sa taong ito ng Miss Universe.

Read More:  Sarah Lahbati sparks ‘Hard Launch’ buzz with mystery man

Samantala, umaasa ang mga Pinoy supporters ng kinatawan ng Pilipinas na si Michelle Marquez-Dee na mahipo ng swerte ni Catriona Gray sa Miss Universe 2023.