Catherine Camilon, nakitang duguan

Nakitang duguan ng dalawang testigo ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon habang inilipat mula sa kanyang kotse papunta sa ibang sasakyan.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Director Major General Romeo Caramat Jr., nakita nila ang isa sa mga persons of interest ng pulis kaugnay sa pagkawala ni Camilon at tinutukan pa sila nito ng baril.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Dagdag pa ni Caramat, ang gunman ay isang personal driver ng isa pang person of interest at tiyak aniya ang mga testigo dahil nakilala nila ito sa kanyang tattoo at pisikal na katangian.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Sinabi ng opisyal ng CIDG na nangangalap sila ng mas maraming ebidensya para makabuo ng mas malakas na kaso laban sa mga persons of interest sa kaso ni Camilon.