Catanduanes State University, nagdagdag ng bagong requirements para sa mga estudyanteng papasok sa unibersidad

BNFM BICOL – Dinagdagan ng Catanduanes State University (CatSU) ang listahan ng requirements para mga incoming, returning at mga transferee na mga estudyante ngayong darating na pasukan.

Ayon sa inilabas na anunsyo, kailangan na ngayon ng mga aplikante na magpasa ng resulta ng kanilang drug test, complete blood count, at x-ray na kung saan ito ay aprng CatSU Board of Regents.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ipinabatid din ng unibersidad na ang mga nasabing pagsusuri ay hindi libre at hindi sakop ng Free Higher Education Law. Dahil dito, kinakailangan ng mga estudyante na maghanda para sa mga karagdagang gastusin. Ngunit, sa kabila ng mga bagong requirements, mayroong magandang balita para sa mga estudyante.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay CatSU President Dr. Patrick Azanza, nakipag-partner ang unibersidad sa ilang mga grupo upang matulungan ang mga estudyante sa mga gastusing ito. Simula ngayon hanggang Setyembre 30, isang buwan pagkatapos magsimula ang klase ngayong darating na Agosto, maaaring i-comply ng mga estudyante ang mga kinakailangang dokumento. ### Rumer Grant, Intern