Catanduanes PPO nagdaos ng ‘thanksgiving activity’ bilang  pasasalamat sa matahimik na Halalan sa lalawigan

BNFM BICOL – Nagdaos ng ‘Thanksgiving Activity’ ang Catanduanes Police Provincial Office bilang pasasalamat sa matahimik na Halalan 2022 sa islang lalawigan.

Pinangunahan ni PMAJ Robert Kevin Caparroso, hepe ng Virac Municipal Police Station ang nasabing aktibidad na may kaugnayan rin sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Layunin umano nitong matulungan ang mga kabataan na mailayo sa impluwensya ng ipinagbabawal na droga at hikayatin ang mga itong maging kaisa sa ninanais na pagbabagyo sakanilang bayan.

Nakiisa sa nasabing programa ang mga personahe ng PNP, Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ARESCOM, mga mag-aaral sa kolehiyo at miyembro ng KKDAT at iba pang advocacy support groups.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, ayon sa mga otoridad , isinagawa rin ito bilang pasasalamat sa mga guro at iba pang mga naging bahagi sa pagtataguyod ng mapayapa at matagumpay na 2022 Local and National Election.###