Catanduanes, may pinakamababang ‘poverty incidence’ sa buong Bicol region

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA-Bicol) na ang lalawigan ng Catanduanes ang may pinakamababang poverty incidence mula sa anim na mga probinsya sa rehiyon nitong 2021.

Sa tala ng ahensya, tanging 17.4% lamang ang naitalang poverty incidence ng lalawigan nitong nagdaang taon, na siya umanong pinakamababa kung ikukumpara sa iba pang karatig probinsya sa rehiyon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Anavi Camacho – Chief Statistical Analyst ng PSA, ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho at oportunidad sa islang probinsya ang maaaring dahilan ng mababang poverty incidence sa lugar.

Inihalimbawa nito ang pagtaas ng demand sa mga contact tracers , vaccinators at health workers ng dahil sa COVID-19 pandemic, gayundin ang pagkakaroon ng oportunidad ng mga karpintero at construction workers para sa renovation ng mga bahay at gusali matapos na manalasa ang bagyong Rolly.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Gayundin umano ang pagdating ng mga milyon-milyong ayuda mula sa pamahalaan at maging sa mga pribadong sektor na kahit papaano ay nakatulong sa pagbibigay ng maginhawang pamumuhay sa mga residente sa lugar.###