Cartographic sketch ng isa sa mga suspek sa pamamaslang sa isang radio brodkaster sa Misamis, Occidental, inilabas na ng pulisya | via CATH AUSTRIA//CA

Inilabas na ng Philippine National Police ang computerized facial composite ng isa sa mga suspek sa insidente ng pamamaril at pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa tawag na DJ Johnny Walker sa Calamba, Misamis Occidental.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang suspek ay kasama ng gunman na naiwan sa gate nang mangyari ang pamamaril sa biktima.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Tinatayang 5’5 hanggang 5’6 ang taas ng suspek, may edad na 40 taong gulang pataas at kayumangging ang kulay ng balat.

Katamtaman ang pangangatawan ng suspek na tinatayang 70 kilo ang timbang.

Nakasuot rin ang suspek ng kulay pulang sumbrero, kulay green na t-shirt at kulay itim na shorts nang mangyari ang krimen.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nanawagan din ang PNP sa sinumang may impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek ay agad na ipagbigay alam sa pulisya.

Nauna nang sinabi ng Misamis, Occidental Mindoro Police Provincial office na Personal na dahilan ang Isa motibong tinitingnan nila sa nangyaring krimen.

May naka alitan umano ang biktima at ang personal na alitan ay umabot umano sa korte.

Hindi rin naman inaalis ng pulisya ang anggulo ng pagiging miyembro ng media ni Jumalon