CAMARINES NORTE- Narekober sa bayan ng Vinzons sa Camarines Norte ang isang L300 FB, closed van na kulay puti at naka flash alarm ng pulisya ng Lucena City
kahapon June 7, 2021, dakong 1:30 ng hapon, isang may-ari ng tindahan at residente ng Purok-4 Brgy. Calangcawan Sur Vinzons, ang nagpaabot sa himpilan ng Vinzons MPS na ang diumanong sasakyang nawawala ay nakita sa naturang bayan
Kaagad na tumalima ang mga tauhan ng Vinzons MPS kasama ang mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Highway Patrol Team (CNPHT), Camarines Norte Maritime Police Station (CNMARPSTA) at Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5) at agad na nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakarekober ng sasakyan at pag aresto sa suspek na nagmamaneho nito bandang alas 2:00 ng hapon sa Sta Cruz St. Brgy. 1 Poblacion, Vinzons, Camarines Norte.
Nakilala ang suspek na si JOHN CRISTOPHER ABU y Perez, 34 anyos, isang ahente at residente ng Barangay Balagtasin 1st, San Jose, Batangas.
Agad na nakipag-ugnayan ang himpilan ng VInzons MPS sa Lucena City Police Station para sa nasabing insidente at para sa kaukulang kasong isasampa laban sa suspek.
Samantala, naihatid na ng mga tauhan ng Vinzons MPS ang suspek at ang carnapped na sasakyan sa Lucena City Police Station para sa kaukulang disposisyon.

