Pasok ang Pilipino gymnast na si Carlos Yulo sa Olympics finals ng all around floor at vault.

Sa floor exercise nakakuha siya ng 14.766 na score habang sa Pommel Horse nakakuha si Yulo ng 13.066 na score at sa rings nakakuha naman si Yulo ng 13.000 points.
Sa unang vault ni Yulo nakakuha siya ng 14.800, at 14.566 naman sa pangalawang vault kaya ang total average ay 14.683 sa vault.
Pagdating sa panglimang aparatos nakakuha si Yulo ng 14.533 sa parallel bars at 13.466 sa high bar kaya umabot sa 83.631 ang all around ng atleta.
Ayon kay President Gymnastics assination of the Philippines Cyntia Carron, hindi pa itinaas ni Yulo ng husto ang level of difficulty sa floor at vault kaya posible mag-level up sa finals.