Camarines Sur nakapagtala ng 78 COVID-19 active cases  bago ang weekends; dalawa nasawi

NAGA CITY- 78 ang aktibong kasong COVID-19 sa Camarines Sur bago pumasok ang weekend, may dalawa namang nasawi base sa record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO.

Sa kasalukuyan 18, 561 na ang cumulative cases mula 2020;  17, 624 dito ang gumaling habang 859 naman ang nasawi.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Huli sa mga ito ang namatay noong Nov. 7, residente ng Del Rosario Iriga City at noong Nov. 8 residente naman ng Libod II, Libmanan.

Halos balik normal man ang lahat ,  hindi man naniniwala sa COVID-19 ang iba at may takot sa bakuna hindi napapatid ang kampanya ng Department of Health (DOH)  halimbawa sa mga batang edad 5-11 anyos. Ayon kay CamSur DOH Officer Dr. Rey Millena, ngayong hindi pa na-ze-zero ang kaso sa probinsya mainam na mag proteskyon.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized