NAGA CITY- May 110- libong mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries sa Camarines Sur na patuloy na minomonitor at tinutulungan ng Department Of Social Welfare and Development o DSWD.
Sa panayam kay Harry Daet, Head ng Social Welfare and Development sa lalawigan , sinabi nitong hindi nila basta-bastang tinatanggal ang isang benepisyaryo sa listahan, pagkatapos na kunin ang listahan sa mga respective areas dumadaan sa assessment at status deliberate mula sa mga munisipalidad na nagmomonitor nito.
Bawat ika-6 na buwan mayroong Social Welfare and Development Indicator Tool para maassess ang katayuan at kalagayan ng mga benepisyaryo, kung naabot na ng isang pamilya ang Level 3 na kung saan kaya na nilang tumayo, nasa proseso na ng transition sa LGU para hindi na bumalik pa sa dating sitwasyon ang mga benepisyaryo.
Importante rin kasing malaman ng isang benepisyaryo kung sila ba ay kwalipikado pa sa programa o hindi na lalo na monthly ang pay out nila.
Muli namang ipina-alala ng opisyal na makaka-avail lamang ang isang pamilya sa programa kung sila ay naging kwalipikado sa Listahanan Program ng DSWD na siyang naglilista at nag ba-validate ng mga mahihirap na mga tao sa probinsya.