Camarines Norte zero case sa paputok sa pagdiriwang ng kapaskuhan, 6 na Christmas babies isinilang sa CNPH

CAMARINES NORTE – Walang naitalang firecracker related injury sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Batay ito sa mga isinusumiteng report ng iba’t- ibang ospital at Rural Health Unit Provincial Health Office (PHO).

Unang nakapagsumite ng report nitong December 25 ng umaga ang Camarines Norte Provincial Hospital, Labo District Hospital, Basud Municipal Health Office, Mercedes MHO at bago mag tanghali ng pasko ay nakapasgsumite na rin ng report ang Capalonga Medicare and Community Hospital ay ang Jose Panganiban MHO.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Lahat, walang naitalang firecracker related injury.

Noong nakaraang taon, isa ang naputukan ng kwitis sa bisperas ng pasko.

Samantala, anim na Christmas babies naman ang isinilang sa CNPH, limang babae at isang lalaki.

12:01 am, December 25 nang isinilang ang isang sanggol na lalake mula sa Barangay Tuaca sa bayan ng Basud.

12: 52 am naman si baby girl mula sa Old Camp, Capalonga habang 1: 31 am ang isa pang sanggol na babae, 1: 54 am ay si baby girl mula sa Binanuaan Talisay, 2: 24  ay sanggol na babae at isa pang baby girl ang ipinaganak dakong alas 3:10 mula naman sa Barangay Cayucyucan, Mercedes.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ilang insidente rin ng pananaksak ang naganap sa kasagsagan ng pagsalubong sa pasko na nadala sa CNPH na karamihan ay mula sa Daet, Paracale, Labo at Talisay. Karamihan sa mga ito ay nasa impluwensiya ng alak.