CAMARINES NORTE- All set na ang lalawigan ng Camarines Norte para sa pagdiriwang ng ika 125th Martyrdom Anniversary ni Dr. Jose Rizal ngayong araw.
Kasabay din ito ay ang ika 123taong anibersaryo ng pagkakatatag ng pinakaunang Bantayog ni Rizal sa buong mundo na matatagpuan dito sa bayan ng Daet.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Rizalismo: Instrumento ng Muling Pagpapanibago at Pagbangon ng mga Pilipino.
At dahil pa rin sa kinakaharap na pandemya ay naghanda ang Lokal na Pamahalaan ng Online Commemorative Program ngayong araw.
Ang Guest of Honor ay ang isa sa itinuturing na “world- renowned speaker, data scientist at lecturer na si Isaac Reyes, ang isa sa mga descendants ni Saturnina Hidalgo, nakatatandang kapatid na babae ni Dr. Jose Rizal.
Ang online commemorative celebration ay mapapanood sa Museo Bulawan facebook page at sa Youtube.
Matatandaan na nagpalabas ng Executive Order si Governor Edgardo Tallado na nag aatas sa mga taga Camarines Norte, National Government Agencies, lahat ng Government Owned and Controlled Corporations, public at private schools at lahat ng civic organizations na makiisa sa at makilakahok sa pagdiriwang ng Rizal Day.
Kahapon ay ilang kabataan ang naabutan ng Brigada News na inihahanda ang venue kung saan nakatayo ang pinaka unang bantayog ni Rizal.
