Opisyal nang nagsimula ngayong araw ng Miyerkules, April 26, 2023 ang Butanding Festival sa bayan ng Donsol, Sorsogon.
Iba’t ibang aktibidad ang nakalinya kung saan bukod sa Mutya ng Donsol 2023, synchronized coastal clean-up scubasurero at tree growing activity at ang Signing of Quadripartite Commitment for the Strengthening of Whale Shark Conservation & Agri-Tourism na highlight ng okasyon.
Layon din ng selebrasyon, na tatakbo sa loob ng tatlong araw, na mas maitampok at mapromote pa ang nasabing tourism product sa pamamagitan ng Butanding interaction.
Samantala, tiniyak naman ng Donsol Tourism Office na sa kabila ng mga aktibidad ay mapapangalagaan pa rin ang nasabing mga gentle giants, kung saan katuwang ang kanilang Butanding Interaction Officers ay mahigpit nilang ipapatupad ang mga patakaran tulad ng pagbabawal sa paghawak sa mga nasabing mammal, pagmantina sa distansya sa mga ito kung saan dapat ay 3 metro ang layo mula sa katawan nito at 4 na metro naman sa buntot at higit sa lahat pagbabawal sa pagkuha sa mga ito ng larawan na gumagamit ng flash ng camera.
