Buong bahay, tinupok ng apoy sa Echague, Isabela

Naging abo ang isang buong bahay sa Ipil, Echague, Isabela matapos tupukin ng apoy dakong alas-7 ng umaga ngayong araw, September 7, 2021.

Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ni Fidel Salarzon, 68-anyos at isang magsasaka. Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayam kay SFO2 Rainier Gante ng Echague Fire Station, naitawag sa kanilang himpilan ang sunog bandang alas-7:05 ng umaga na kaagad naman nilang nirespondehan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Itinaas sa second alarm ang sunog kung saan kinailangan umanong humingi ng tulong sa BFP Alicia, San Isidro at Santiago City para sana maagapan ang naturang sunog subalit nadamay naman ang kalapit na bahay.

Aniya, dakong alas-8:30 ng umaga nang kontrolado na ang sunog at mapalad namang walang nasugatan.

Ayon pa kay SFO2 Gante, wala pang matukoy na posibleng pinagmulan ng sunog bagaman isa sa tinitingnan na dahilan ay may kaugnayan sa electrical.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa ngayon ay hindi rin matukoy pa ang kabuong halaga ng pinsala sa nangyaring sunog.

Muli namang nagpaalala ang BFP Echague sa lahat na tingnang mabuti ang mga appliance o gadget na nakasaksak at mas mainam na patayin ang circuit breaker tuwing aalis ng tahanan. Gayundin na bantayan ang mga niluluto upang hindi pagmulan ng sunog.