BuCor, iimbestigahan ang isiniwalat ng PDL na murder ang ikinamatay ng ilang inmates sa Bilibid

Tiniyak ni Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. na hindi nila palalampasin ang ulat na pinatay ang ilang mga persons deprived of liberty (PDL) sa loob ng New Bilibid Prison.

Ito ay makaraang ibunyag ng isang PDL na pinatay at hindi namatay sa COVID-19 ang ilang mga PDLs kabilang na ang mga high-profile convicted drug lords – taliwas sa idineklara sa kanilang death certificate.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa panayam, sinabi ni Catapang na ipinasa na nila sa National Bureau of Investigation ang salaysay ng mga naturang whistleblower para maimbestigahan.

Mayroon na raw silang mga inisyal na lead hinggil dito; habang patuloy pa nilang inaalam kung sinu-sino ang mga attending physician dito, nagsagawa ng autopsy, at nag-declare na COVID ang kanilang casue of death.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Umaasa naman si Catapang na mayroon pang mga testigo na lalantad para mapadali ang pagresolba sa kaso.

Bago ito, una nang hinikayat ni Senadora Grace Poe ang mga kasamahan niya sa Senado na imbestigahan ang mga naturang rebelasyon ng isang PDL whistleblower.

Kinalampag din ng Senaora ang Department of Justice na tutukan ang insidente at magsagawa na ng total overhaul sa correctional system sa bansa.