‘Boy Dila’ – hinahanap ng San Juan LGU

Hinahanap ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang lalaking viral sa social media na nakalabas ang dila at inaasar ang rider na kaniyang binabasa gamit ang water gun sa selebrasyon ng Wattah Wattah Festival.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Ayon sa lokal na pamahalaan naging mukha ng kapistahan ang naturang lalaki na binansagang “Boy Dila.”

Hindi umano nagpapakita ang lalaki sa kaniyang address na pinapadalhan ng iba’t ibang delivery online na ipinangalan sa kaniya.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Marami ang nainis sa ginanap na Wattah Wattah Festival sa San Juan noong nakaraang Lunes, dahil maraming tao na napadaan lang sa lugar ang nabasa papasok sa trabaho o maghahatid ng delivery.