Nanguna ang Bureau of Fire Protection ng Botolan, sa 2021 E-Carol contest ng BFP Zambales.
Nasungkit naman ng Olongapo Fire ang ikalawang pwesto habang ikatlong pwesto ang Iba Fire Station.
Ang tema ay may kaugnayan sa pag-iingat sa sunog at mga paraan kung paano ito maiwasan.
Samantala, sa kabuuan ay mayroong labing apat na entries na nagmula sa labing-tatlong munisipyo at isang lungsod.
Maaaring mapanood at mapakinggan ang mga entries ng bawat bayan sa youtube.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
