Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaaring buksan ng Egypt ang isang corridor para sa pag tawid ng mga dayuhan mula sa Gaza.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, maaari itong buksan sa mga susunod na araw kaya kailangan handa ang mga Pilipino na lumikas sa lalong madaling panahon.
Hindi nagbigay ng tiyak na petsa si De Vega para sa pagbubukas ng ligtas na daanan palabas ng Gaza, ngunit binanggit niya na ito ay bukas lamang para sa mga hindi Palestinian.
Ayon raw kasi sa Israel, walang Palestinian na bibigyan ng authority na lumabas ng Gaza, na kapareho sa sitwasyon ng Ukraine.
Dagdag pa ni De Vega, nakapaghanda na ng bus ang DFA na maghahatid ng 150 katao mula sa Rafah border crossing papuntang Cairo.