BOQ, wala pang nadedetect na travelers mula sa Omicron-hit countries

Nagsimula na ang mahigpit na pagmonitor ng Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga pasahero mula sa South Africa at iba pang mga bansa na mayroong presensya ng B.1.1.529 coronavirus variant o Omicron.

Ang naturang variant ay pinaniniwalaang mas nakakahawa kumpara sa Delta variant.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon kay Dr. Roberto Salvador Jr., BOQ deputy director, wala pa silang nadetect na mga travelers mula sa Omicron-hit countries.

Sinabi ni Salvador na ang Omicron variant ay 500 times na mas nakakahawa kumpara sa Delta variant.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, pinayuhan ng BOQ official ang mga galing sa “green list” countries na mahigpit na sundin ang home quarantine rules, na magtitiyak sa kanilang pamilya na hindi mahahawa sa COVID-19.