Bong Go, nagpaabot ng ‘best wishes’ kay Pacquiao para sa kanyang nalalapit na boxing match

Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na suportado parin niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao para sa nalalapit nitong laban kontra kay Errol Spence Jr., sa gitna ng bagong isyu sa pagitan nito at iba pang lider ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-LABAN).

“Actually, nagkausap kami ni Pangulong Duterte tungkol dyan. Bilang Pilipino, suportado namin si Senator Manny sa kanyang laban,” saad ni Go.

Ayon kay Go, gusto niyang manalo si Manny sa laban, at bilang Pilipino tayo, isa umano itong karangalan na manalo para sa bayan, para sa ating bandila.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa kabila ng mga isyu, hinimok naman ni Go ang may mga corruption complaints na suportahan ang kanilang assertions upang mahabol ng gobyerno ang mga perpetrators at mapanagot ang mga ito.

“Kaya nga po importante ebidensya. In fairness to everybody, pangalanan po. Ilatag po ang ebidensya para naman po malaman ng taumbayan kung meron ba talagang korapsyon at sino ba talaga ang sangkot,” giit ni Go.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

“Dahil kung meron talagang sangkot, kahit na kaibigan ka o kakilala ka namin, kapag pumasok ka sa korapsyon, yari ka po. Sisibakin ka ni Pangulong Duterte,” dagdag pa nito.

Samantala, binanggit ni Go na nananatili parin silang magkaibigan ni Pacquiao sa kabila ng mga isyu na bumabalot sa partido.

Sa gitna nito, umaasa ang senador na ang hindi pagkakasundo ni Duterte at ni Manny ay maresolba na, dahil pareho lang ang kanilang gustong makamit, at ito ay matapos na ang korapsyon sa gobyerno.