LEGAZPI CITY – Inihayag ni Maita M. Mortega ang National Voluntary Blood Services Program NVBSP Coordinator ng Department of Health (DOH) Bicol na mas hinihikayat ng mga ito ang mga boluntaryong magdodonate ng Dugo sa mga pasyente na nangangailangan kaysa sa mga Paid Donors.
Ayon kay Maita, mas ligtas na gamitin ang mga voluntary blood donors kaysa sa mga nagpapabayad para lang makapagbigay ng dugo sa mga pasyente.
Aniya, naniniwala ito na mas safe ang mga voluntary blood donors dahil sa hindi ito napipilitan magbigay ng dugo sa mga nangangailangan maliban na lamang kung ang pamilya ay nahihirapan sa paghahanap ng dugo.
Nilinaw rin nito na hindi pwedeng iderekta na isasalin lamang ang dugo sa isang pasyente dahil sa kailangan dumaan pa ito sa screening.
Tiniyak rin ng ahensya, na ang isasalin o ibibigay na dugo sa isang pasyente na nangangailangan ay ligtas ito dahil sa dumaan naman sa masusing pagsusuri o proseso ang boluntaryong nagdonate o ang isang nagpabayad na makuhanan ng dugo.
Samantala, hindi na rin kailangan pang sumailalim pa sa covid testing ang magdodonate ng dugo.
Dagdag pa nito, kung magsasagawa rin ng blood letting activities sa isang lugar o barangay ay kailangan makausap at tiyakin na nakapagsagawa na ng contact tracing.
Aniya, bago man na kuhanan ang Voluntary blood donors magkakaroon muna ng lectures tungkol sa covid 19 at ilang mga katanungan upang malaman na mga ito ay qualipikado sa pagdodonate ng dugo.
Sinabi ng opisyal, kailangan ang isang magdodonate ng dugo ay walang exposures sa covid at hindi rin nag alaga ng covid patients sa loob ng 28 days.