Bodega ng ukay-ukay, ni-raid ng CIDG-Palawan sa Puerto Princesa City

Sinalakay kaninang umaga ng Criminal Investigation and Detection Group- CIDG-Palawan ang isang bodega ng ukay-ukay (Zyle Jin Apparel Trading) sa Purok Mapagmahal Bgy. San Jose Puerto Princesa City.

Ayon kay PMaj. Richard John Macachor  ng CIDG-Palawan , mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga ukay-ukay batay sa Republic Act No. 4653 An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case
Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sinabi nito na iligal ang pagbebenta nito maging sa mga online. Sa ngayon nakatutok muna sila sa mga pinagkukunan ng produkto.

Samantala , nagpapatuloy ang pagkumpiska sa mga bundle na ukay-ukay.