BOC, nagsampa na ng 11 kaso laban sa mga nasa likod ng abandunadong balikbayan boxes

Aabot sa labing-isang criminal cases ang isinampa ng Bureau of Customs (BOC) sa mga taong nas likod ng mga natenggang balikbayan boxes.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz na limang libo na ang balikbayan boxes na nai-deliver mula sa pitong libong kahon na dumating sa bansa, habang aabot sa 1, 923 pa nakatengga at hindi pa rin nakukuha.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor
Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Pagtitiyak ng BOC na pananagutin nila ang mga iresponsable na nasa harap ng mga abandonadong balikbayan boxes.

Pakiusap naman ni Ruiz sa mga may-ari ng mga naturang balikbayan boxes na kuhanin na mga ito. // SMM