Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa mga nag-alok ng murang transaction fee para maiuwi ang kanilang mga balik-bayan boxes.
Ito’y kasunod ng na-irelease na dang-daang box ng padala ng mga OFW na inabot ng pito hanggang dalwang taon bago nailabas sa mga warehouse ng BOC Manila.
Napag-alaman na aabot lamang sa halagang P3,500 ang singil sa pagpapadala ng jumbo boxes na balik-bayan na ayon kay BOC Deputy Commissioner Michael Fermin ay masyadong “too good to be true”.
Halo-halong emosyon naman ang naramdaman ng mga pamilya ng OFW na nakatanggap ng mga kahon-kahong padala ng kanilang kaanak abroad lalo’t ilan sa mga may-ari nito ay yumao na at hindi na natanggap ang mga padala ng kanilang mahal sa buhay.
Sinasabing mula sa UAE ang mga package na resulta ng mga fly-by-night consolidator na naniningil ng bagsak presyo para sa pagpapadala sa Pinas.