BOC, kinumpiska ang ilang smuggled na gulay sa Divisoria

Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang smuggled na carrots at broccoli sa Divisoria night market kasama ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay BOC Intelligence Officer 2 Alfredo Mil Jr., parte ito ng kanilang kampanya laban sa mga illegal imported products na ibinibenta sa merkado na siyang dahilan kung bakit nalulugi ang ating mga local farmers.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Aminado si Mil na hindi maiiwasang makalusot ang ilang ilegal na produkto dahil sa dami umano nito pero patuloy naman din aniya ang kanilang inspeksyon upang masiguro ang kaayusan nito.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Samantala, sinabi naman ni Sub-Task Group on Economic Intelligence under DA Serapio Garabiles Jr. na maraming magsasaka ang nagrereklamo sa Benguet dahil sa presyo ng mga imported na gulay sa palengke. (ARGIE ERGINA)