Blue Ribbon panel, inaasahang ilalabas na ang report sa imbestigasyon sa laptop deals ng DepEd

Inaasahang ilalabas na bago mag Christmas break ang report ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa imbestigasyon sa P2.4-B na laptop procurement deal ng Department of Education.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, ilalabas nila ang dispositive portion ‘in advance’ hinggil sa naturang imbestigasyon.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sinabi ni Blue ribbon chairman, na nagdadalawang isip siyang ilabas ang report bago ang yuletide season, pero dahil ang isyu na inimbestigahan ay lumutang noong 2022, ay ilalabas nila ang rekomendasyon ngayong taon.

Hindi naman ibinunyag ng senador ang iba pang detalye hinggil sa posibleng recommendations ng Senate panel.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Matatandaan na sa kanilang 2021 annual audit report, pinuna ng Commission on Audit ang DepEd dahil sa pagbili ng mahal pero outdated nang laptops, na resulta kung bakit mas kaunti lang na units ang nabili.