Uumpisahan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig nito hingigl sa kontrobersyal na pagbili ng mga COVID-19 vaccines para sa Department of Health.
Kinumpirma ng chairperseon ng Kumite na si Senador Francis Tolentino na isasagawa ang pagsisiyasat ng panel para rito sa susunod na linggo, December 14.
Kabilang din sa mga inaasahang matatalakay ay ang na-aksayang 44 million doses ng mga bakuna.
Bago pa man ito, una nang tiniyak ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na handa silang makipagtulungan sa auditing hinggil sa vaccine procurement.
Sa pahayag, iginiit ng Health official na sila mismo ang nag-request ng special audit mula sa Commission on Audit (COA).
Risa: ‘Tama na ang turuan!’
Nanindigan si Senador Risa Hontiveros na hindi na dapat pang magturuan kung sino ang mayroong accountability hinggil sa procurement audit ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Senador Hontiveros, bilyun-bilyong piso ang nilagak at ginastos ng pamahalaan para sa COVID-19 response ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa rin inoobliga ng COA ang mga concerned agencies kagaya ng DOH na magsumite ng mga kailangang dokumento para makapagsagawa ng special audit.
Aniya, sa nakalipas na dalawang taon, patuloy ang ginagawa niyang paghimok sa pamamagitan ng ilang resolusyon na magsagawa na ang COA ng special audit para malaman kung may pagkukulang ba ang mga concerned agencies sa pag-handle ng pondo para sa COVID-19 vaccine.
Ipinunto niya na habang tumatagal ang proseso ng special audit, matatagalan din bago matukoy kung sinong mga indibidwal o kung aling mga ahensya ang sangkot sa posibleng anomalya.
Sa huli, muling nanawagan si Hontiveros sa COA na obligahin ang mga ahensya ng gobyerno na magsumite ng mga documentary requirements para makumpleto na ang audit procedures hanggang sa Hunyo ng susunod na taon.
#
RELATED STORY:

