Biyuda ni Degamo, iminungkahi na magpalit ng PNP protocol sa pagpresenta sa mga suspek

Binigyang diin ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ng napaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo, na panahon nang amyendahan ang long-standing policy ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa non-presentation ng mga suspek sa publiko.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa pagpatay kay Gov. Degamo, sinabi ni Mayor Degamo na ang protocol ay kailangan maamyendahan sa pamamagitan ng legislation.

Read More:  CHED open to suggestions on proposed Reframed General Education curriculum

Dagdag ni Degamo, na naalala niyang nagpaliwanag noon si dating Dumaguete Police chief Police Colonel Ramoncelio Sawan sa publiko kung bakit hindi nila pwedeng ipresenta sa publiko ang mga larawan ng umano’y gunman ng kanyang asawa, na si Noel Alabata, na isang pulis.

Read More:  Palace questions VP Sara Duterte over computer literacy remarks

Kinuwestiyon ng alkalde ang mabilis na paglabas sa telebisyon ng mga mukha, mugshots ng ibang mga suspek, pero bakit hindi maaring gawin sa naturang pulis na suspek.

Pero paliwanag ni Sawan, mayroon umanong polisiya ang PNP laban sa pagpaparada sa mga suspek, kasabay ng pag-gigiit na walang “tactical o strategic” value sa pagpapakita sa mukha ng suspek dahil nasa ilalim narin naman umano ito sa kanilang kustudiya. //MHEL PACIA-TRINIDAD