CAMARINES NORTE – Suspendido pa rin ngayon ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Camarines Norte dahil sa nakabanderang gale warning ng Pagasa.
Ang temporary suspension sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat na 250 G.T. pababa ay ipinatupad epektibo simula nitong Lunes, December 18 sa bisa ng notice to mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Commander ng Camarines Norte Coast Guard station.
Ito ay bilang proactive measure at para maiwasan ang mga maritime incident.
Papayagan lamang na muling maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat kapag nagkaroon nan g improvement ang weather at sea condition.
Matatandaan na patay ang isang mangingisda mula sa bayan ng Paracale mahigit isang linggo na ang nakakalipas makaraang abutin ng malakas na alon sa laot.
Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa lalawigan ng Quezon pagkalipas ng ilang araw.
