Biological mother ni Bamban Mayor Alice Guo na hinihinalang Chinese – natunton na

Ibinahagi ni Senador Win Gatchalian na malakas ang kutob niya na ang Chinese citizen na nangangalang Wenyi Lin ang biological mother ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito sa kabila ng paninindigan ni Guo sa mga naunang pagdinig na Pilipino ang kanyang nanay at ang pangalan nito ay Amelia Leal Guo.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Anya, ang impormasyong ito ay base sa kanilang naging imbestigasyon at maging sa record na ibinigay ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa senador, natunton nila ito matapos ang ginawa nilang pangangalkal sa mga records ng family business ng Guo sa Valenzuela City.

Read More:  Power rates expected to rise in August as NGCP transmission charges jump 22.22%

Dagdag pa niya, ipinapakilala rin umano ni Guo sa kanyang mga kasamahan sa Valenzuela na nanay niya ito.

Alinsunod nito, kung sakaling mapatunayang nanay niya nga ito ay maapektuhan ang kanyang pagiging lingkod bayan dahil sa paglabas na pure Chinese siya.