Binatilyong nalulunod nasagip ng Coast Guard sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang 16 anyos na binatilyong nalulunod habang naliligo sa Baybay Beach sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte noong Sabado.

Ayon sa ulat ng Camarines Norte Coast Guard Station, nakita itong nahihirapang lumangoy tinatayang isang daang metro ang layo sa baybayin.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagpa- practice ng cheer dance ang binatilyo kasama ang kaniyang mga kagrupo nang magpasya itong maligong mag- isa sa dagat.

Itinaboy siya  ng rip current dahilan para dalhin  ng alon palayo sa baybayin at hindi na ito makalangoy pabalik hanggang sa nagpasaklolo na.

Matapos ang matagumpay na rescue operation ay ay dinala ito sa ospital para sa kaukulang medical attention.

Nagpaalala naman ang PCG sa publiko na palaging isaisip ang kaligtasan habang naliligo sa dagat at lumangoy lang sa may malapit na lifeguard.

Kung abutin ng rip current, huwag mag- panic, ialerto ang lifeguard, at magpalutang- luting hanggang sa mahinto ang current saka lumangoy ng “parallel” patungo sa baybayin.

Paalala pa ng PCG na huwang maligo kung nakainom ng alak at huwag hayaang mag- swimming mag- isa ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *