Binatang negosyante ng iligal na droga, arestado

Arestado ang isang binata matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng kapulisan sa Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya. Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ang naaresto na si alyas Justine, 20-any6os at residente sa nasabing probinsya.

Napag-alaman na si alyas Justine ay kabilang sa target list ng PNP at PDEA na mga tinaguriang street level individual.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Positibong nabili ng nagpanggap na operatiba bilang poseur buyer ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng .125 grams na may standard drug price na P850.00

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Bukod ditto, nasamsam rin mula sa naaresto ang apat pang plastic sachet na naglalaman ng kaparehong substance at cellphone.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Bambang Police Station ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.