Pinangungahan nina Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri at House Speaker Martin Romualdez ang dalawang unang enrolled bills ng 19th Congress na isusumite kay Pangulong Bongbong Marcos.
Kabilang dito SIM Registration Act na layung sugpuin ang mga krimen na konektado sa paggamit ng mobile phone sa pamamagitan ng pag-aatas sa lahat na magparehistro ng kanilang mga SIM o eSIM.
Maliban dito nilagdaan din ng dalawang lider ng kongreso ang bill para sa postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Una nang napagkasunduan ng dalawang kapulungan sa bicameral conference committee na isagawa ang Barangay at SK election sa October 2023 sa halip na sa December 5 ngayong taon.
Agad naman ipapadala ang kopya ng mga panukala sa Office of the President para sa lagda ni Pangulong Marcos upang maging ganap na batas.
Maliban kina Zubiri at Romualdez sinaksihan din ang ceremonial signing ng ilang mga senador at mga opisyal ng Kamara.
#
