Bill sa pamantayan ng paglikha ng logo, inihain ni Sen. Binay

Naghain si Senadora Nancy Binay ng isang panukalang batas na naglalayong palakasin at maghihigpit sa pamantayan ng paglikha ng logo at official seal sa gobyerno kabilang na rito ang militar at pulisya.

Kaugnay rito, aamyendahan ang Senate Bill No. 8491 sa R.A. 2384 o palalakasin ang alituntunin sa paglikha, modipikasyon at pagpaparehistro ng official seals at iba pang heraldic items at kagamitan sa lahat ng government entities.

Read More:  VP Sara commends 79IB after Negros Occidental clash
Read More:  De Lima calls probe into Negros clash that killed 19

Ayon kay Binay, hindi basta-basta ang rebranding at ang pagbabago ng logo.

Dagdag pa ng mambabatas, kailangang tiyakin na ang mga opisyal na selyo at logo ay naghahatid ng mga pambansang mithiin at tradisyon ng Pilipinas.