Bill Gates at asawang si Melinda, hiwalay na matapos ang 27-taon pagsasama

Kumpirmado nang hiwalay sina Bill at Melinda Gates matapos ang 27 taon ng kanilang pagsasama bilang married couple.

Nakasaad sa statement na inilabas ng isa sa pinakamayamang couple sa buong mundo na nagpasya silang tuldukan ang kanilang pagsasama matapos ang maraming pagsisikap para maisalba ang kanilang relasyon.

Sina Bill at Melinda ay nabiyayaan ng tatlong anak sa loob ng mahigit dalawang dekadang pagsasama

Tiniyak naman ng couple na patuloy silang magtatrabaho sa foundation na kanilang itinatag para sa pagtulong sa kapwa.

Napag-alamang umabot na sa $53.8 billion ang nagastos ng foundation para sa global health, poverty alleviation at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *