Bilang ng mga pumasa sa abogasya sa Naga City, umabot sa 65

NAGA CITY – Umabot sa 65 ang bilang ng mga pumasa sa Abogasya sa lungsod ng Naga, kung saan galing ang mga ito sa dalawang malalaking Unibersidad.

Nakapagtala ng 51 bagong abogado ang University of Nueva Caceres o UNC habang 14 naman sa Ateneo de Naga University.

Isa sa kanila ay si Sharmaine Zen Manzano ng Ateneo College of Law at kwento nito sa Brigada News FM Naga naging mahirap ang tinahak nitong landas upang maging isang ganap na Abogado. Si Manzano ay isang guro sa isang pampublikong paaralan sa lungsod.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kwento nito, halos maubos ang kanyang sweldo dahil medyo may kamahalan ang matrikula sa pag-aaral ng Abogasya.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon pa kay Manzano, disiplina sa sarili at sa lahat ng bagay ang naging motibasyon nito upang makapagtapos at maging ganap na abogado.

Samantala, umabot naman sa 53.85% ang passing rate ng Ateneo de Naga University College of Law sa 2022 Bar Examination.

Sinabi pa ni Manzano na tututukan nito ang mga isyung may kaugnayan sa karapatang pantao.